Pakiayos naman

0
15

“O, ‘yung mga hindi na kasya, next train na lang!”

PAANO kung siksikan pa rin?

Sa araw-araw na pagsakay ko sa LRT, imposibleng hindi dumikit ang braso ko sa katabi ko, at kahit nakatodo na ang volume ng media player ko, imposible pa ring tumagos sa puso ang kantang pinakikinggan ko.

Alam mo kung ano ang tatagos sa iyo? Pawis. Sandamakmak na pawis dahil siksikan na nga, ang hina pa ng aircon. Partida, nagmahal pa yung pamasahe niyan.

Napapaisip tuloy ako — paano nagagawa ng ibang bansa na makabiyahe sila nang matiwasay? Ilang tren pa ba ang kailangang tumirik at masira bago ito magawan ng epektibong solusyon? Ilang tao pa ba ang kailangang mapahamak at mahimatay sa init?

Masasabi ko na bulok ang mga pampublikong transportasyon sa Pilipinas base sa aking karanasan.

Isipin niyo na lang, pano kung biglang nagkatotoo ‘yung palabas ng mga Koreano na Train to Busan? Kunwari ay maging “Train to Gil Puyat”,  huwag na tayong umasa na hindi tayo ma-iinfect. Umpisa pa lang patay na tayo.

At kung ako rin sa inyo, magpraktis na rin ako ng mga “balancing techniques” bago sumakay sa mga tren, dahil paniguradong magagamit mo yun.

— Leila Marie Rodriguez

SHARE
Previous articleGrab gives P70M subsidy to drivers
Next articleShots fired
Concept News Central
CONCEPTNEWSCENTRAL (CNC) is a news-gathering organization established by Concept Group Inc., a corporation operating under the laws of the Republic of the Philippines, with business address located at 3450 Concept Building, Florida Street, Makati City, Metropolitan Manila, the Philippines. Read More...

LEAVE A REPLY