Droga at Pera

0
24

ANG pulitika sa ating bansa ay likas nang madugo at madumi, kung saan matinding kapangyarihan na ang ginagamit para makuha ang inaasam na puwesto.

At kung minsan, buhay din ang nasasakripisyo sa bawat ambisyon.

Pera — ito ang nangingibabaw na dahilan ng magulong pulitika at dahil din dito, marami ang napapahamak at mas madalas, nagiging malaking koneksyon din ito sa droga.

Sa nangyayari at napapansin ko, kung sino pa ang taong may posisyon sa bayan ay sila pa ang pasimuno sa pamamalakad sa bawal na gamot.

Isang halimbawa nito ay ang iilang alkalde ng bayan sa mga malalayong probinsya na nakitil ang buhay dahil sa pagkakadawit sa droga.

At nito ngang huli, dalawang alkalde ang napatay at ang itinuturong dahilan nito ay ang pagkakadawit umano ng mga napaslang sa droga.

Ang isa sa kanila – ang alkalde ng Tanauan, Batangas na si Mayor Antonio Halili —  ay kilala sa pagiging istrikto nito laban sa droga sa lungsod, pero ang lumalabas, ito pa ang naging ugat ng kanyang pagkamatay.

Sa mga kaguluhan at pagpatay na nangyayari ngayon, talagang maiisip mo na minsan, hindi na naiisip ang halaga ng buhay dahil mas mahalaga ang pagkamal ng salapi at paghawak ng kapangyarihan.

Nakakalungkot lang.

LEAVE A REPLY