Hindi na kasya

0
18

ANG bilis talaga ng panahon ngayon dati pantalon ko lang hindi kasya ngayon pati sahod, hindi na rin kasya – partida, may utang pa. Buhay nga naman!

Dati 50 pesos lang sapat na, pero ngayon yung 50 pesos natin saan na nga ba tayo dadalhin?

Sabagay, hindi na nakakapagtaka kung hindi na nagkakasya ang budget natin ngayon kahit na may trabaho tayo at may extra work.

Dalawa lang naman iyan — it’s either sobrang mahal na talaga ng mga bilihin ngayon o kaya’y marami lang talaga tayong luho sa katawan na gustong bilhin lagi at gusto natin na lagi tayong sabay sa uso.

Para sa aking mga kapwa working millenials, ngayong may trabaho tayo, pahalagahan natin ito, lagi nating tandaan na hindi unlimited ang pera at mahirap maghanap ng trabaho.

Maging wais lagi sa pagdedesisyon — isipin ang needs bago ang wants.

LEAVE A REPLY