Wala na akong pera!

0
86

PANIGURADO, hindi lang ako ang umuuwing simot ang laman ng pitaka. Hindi lang ako ang pumipiling umuwi ng gutom dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin, dagdag na rin ang lalo pang pamahal nang pamahal na pamasahe.

Sa panahon ngayon, suwerte nang maituturing ang makahanap ng pagkain na swak sa budget — yung tipong hindi na kailangang mang-123 sa jeep para mabusog lang.

Sa tuwing bumibili ako ay naiisip ko, “bakit ganito na ito kamahal?” Grabe naman. Ano pa kaya ang mabibili ng mga taong mas mahihirap kaysa sa akin?

Sa dumoble at trumipleng presyo ng mga bilihin, napagtatanto ko na maging ang mga juice, softdrinks, at ibang mga pagkain ay isa nang pribilehiyo.

Patuloy na tumataas ang kuryente at krudo kaya patuloy rin ang pagtaas ng pamasahe at mga bayarin. Idagdag mo pa ang TRAIN law kung saan naapektuhan ang mga pagkain.

Nagmahal ang mga softdrinks at ibang produkto upang makaiwas sa sakit ang mga Pilipino dahil sa mga sangkap nito. Ngunit hindi ba nila naisip na kaya tinatangkilik ito ng mamamayan ay dahil ito lang ang afford nila?

Ang mamahal na kaya ng mga natural-made at organic talaga na mga pagkain kumpara sa mga panawid-gutom sa sari-sari store sa kanto. Kaya ngayon na lalo pang nagmahal, ano pang mabibili ko? Ano pa ang kakayanin ng pera ng mga mahihirap?

Araw-araw nagugulat na lang ako na wala nang laman ang pitaka ko. Hindi nawawala sa isip ko ang magkuwenta nang magkuwenta at magbudget para makauwi.

Hindi ko na alam kung ano ba ang mas mabilis lumipad, balita o pera?

Lagi ko nalang tinatanong sa sarili ko, “saan na napunta yung pera ko?” Kaya pagdating ng uwian at tiningnan ko ang pitaka ko — iyak na, bes.

Hay. Ang hirap talagang maging mahirap.

— Katha ni Leila Marie Rodriguez

SHARE
Previous articleDILG sues Aklan execs over Boracay mess
Next articleSelection rules for third telco out
Concept News Central
CONCEPTNEWSCENTRAL (CNC) is a news-gathering organization established by Concept Group Inc., a corporation operating under the laws of the Republic of the Philippines, with business address located at 3450 Concept Building, Florida Street, Makati City, Metropolitan Manila, the Philippines. Read More...

LEAVE A REPLY