Ang daming tao!

0
51

NITONG mga nakaraang araw lang ay nagkaroon ako ng panahon para lumabas ng bahay. Sanay kasi akong nasa bahay lang, sa trabaho o kaya sa eskwelahan.

May isa lang akong napansin habang naglalakad ako sa isang parte diyan sa North Avenue sa Lungsod Quezon: Ang daming tao! Sobrang dami ng tao. Grabe ang dami ng tao.

“Saan nanggaling ‘tong mga taong ‘to?!” tanong ko sa kaibigan ko habang binabagtas namin ang kahabaan ng overpass patungong sakayan ng bus.

Alam mo yung itsura ng langgam na nag-uumpukan sa pader niyo? Ganoon ang itsura. Pero in fairness sa mga langgam, mas disiplinado sila dahil may maayos silang pila. ‘Di gaya ng mga taong ito na hindi kayang pumila ng maayos. Lahat gustong mauna, kaya ang siste, ang gulo-gulo. Isang halimbawa diyan yung mga pasahero ng LRT.

Naisip ko, kaya siguro mahirap ang buhay sa Pilipinas ay dahil sa isang bagay: Highly-populated pero pabawas nang pabawas ang resources.

Ibig kong sabihin, habang tumataas ang bilang ng tao sa bansa, tumataas din ang demand sa produkto, pagkain, tirahan, at kung ano-ano pa. At dahil dito, mas kinakailangan ng malaking suplay ng produkto na nababawasan o kumakaunti naman sa paglipas ng panahon.

Walang unlimited sa mundo, tsong.

So kung nagsasayang ka ng tubig ngayon, o kung makagamit ka ng kuryente ay parang wala ng bukas, o kaya nagtatapon ka ng pagkain na puwede pa namang kainin, bukas o makalawa, baka wala na iyan.

Scarcity, ika nga. Sinabi yan ng propesor ko sa Economics sa PUP habang nakapikit siyang nagtuturo.

Mabalik tayo. Scarcity ng resources. So, ano nga ba ang dapat na gawin para maiwasan ang scarcity? Hindi pupwede ang genocide dahil masama yun. Dahil diyan, ang maaaring isa sa mga solusyon ay two-child policy.

Hindi ito gaya sa Tsina na two-child policy. Ang nais ko lamang i-imply ay kailangan magkaroon ng inisyatibo ang pamahalaan para hikayatin ang mga Pilipino o kahit i-mandate (para mas matindi) ang mga Pinoy na maghinay-hinay sa pag-aanak. Ano na nga pala ang status ng RH law?

Ay, mabanggit ko lang, walo pala kaming magkakapatid pero buti na lang, yung mga kapatid ko hanggang isa o dalawa lang ang anak. Hay, salamat. Na-realize nila na hindi palaging ‘the more, the merrier’.

Pangalawang punto, ito na ang tamang oras para naman maging conscious tayo sa konsumo natin lalo na sa tubig, kuryente, pagkain. Hindi habambuhay ay may tubig tayo, kuryente, o pagkain na maihahain sa hapag.

Hindi ko naman sinabing ‘wag na kayong gumamit ng mga yan… hindi ganoon. Ang sinasabi ko, maging ‘smart’ tayo sa pag-konsumo. Huwag aksayado. Wala nga kasing unlimited sa mundo.

LEAVE A REPLY