Tuwing umuulan

0
15

TUWING sasapit ang buwan ng Hunyo, hudyat na ito na simula na rin ng tag-ulan sa Pilipinas.

At sa tuwing umuulan, mararanasan ang kabi-kabilang problema sa ating kapaligiran, at isa sa mabigat na suliranin kapag ganito ang panahon ay ang pagbaha.

Isa ang Maynila sa pangunahing lugar na mabilis bahain kapag nagsusungit ang panahon, at kadikit nito ang mabigat na daloy ng trapiko at maging ang mga residente ay hirap sa kanilang sitwasyon dahil karamihan sa kanilang tahanan ay pinapasok ng baha.

Kaliwa’t-kanan din na mga ilog at kanal ang nagbabara dahil sa bulto-bultong basura na sumasama sa pag-agos ng baha, at dahil dito, ang mga klase sa paaralan at maging ang mga trabaho ay naaantala.

Ang isang malaking tanong, sino nga ba ang may kasalanan kung bakit tayo nakakaranas ng ganitong pagbaha? Isa lang ang nakikita kong kasagutan diyan: Tayo din ang may gawa nito.

Dahil sa ating kapabayaan at pag-abuso sa kapaligiran, tayo rin ang nahihirapan ngayon, kaya bago natin pagsisihan ang lahat, mismong sa sarili natin gawin ang pagbabago at pagkakaroon ng responsibilidad na pangalagaan ang kalikasan.

LEAVE A REPLY