Is 10K really enough?

0
67

“P10,000 is enough for a family of five to live for a month.” – National Economic Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon

SUMAKIT ang ulo ng taumbayan dahil sa news na iyan kamakailan lang. Inulan din ang NEDA ng samu’t-saring batikos dahil diyan. Sino ba naman kasing hindi?

Kayo, kaya ba ninyong pagkasyahin ang P10,000 sa isang buwan kung limang tao ang papakainin ninyo? Baka naman P10,000 SURVIVAL CHALLENGE ang sinasabi nila.

Ano ‘yun, kapag mag-uulam ng noodles dapat lagyan ng dalawang tabong sabaw para magkasya sa buong araw? Or ‘di kaya’y kakainin mo yung ulo ng tuyo sa umaga at yung buntot itatabi para sa pananghalian? At kung papasok sa trabaho o paaralan huwag nang mamasahe, maglakad na lang — halimbawa mula Las Piñas hanggang Makati?

At para siguro lalong magkasya ang P10,000 na sinasabi ng NEDA, dapat huwag nang gumamit ng kuryente at LPG. Balik muna tayo sa gasera at panggatong at huwag tayong umupa ng bahay, matulog na lang tayo sa gilid ng kalsada o kaya sa ilalim ng puno.

Kita naman na ang naturang halaga ay hindi sasapat sa isang buwan, kahit na anong klaseng pagtitipid pa ang gawin dahil na rin sa mahal ng mga bilihin ngayon.

Sabi nga ng isang financial expert, ang pagtitipid ay bahagi na ng kulturang Pilipino, subalit batay sa mga statistics, hindi tinitipid ng mga konsumer ang pagkain. Kailangang kumain ang tao ng masusustansyang pagkain upang mabuhay nang malusog at magampanan niya ang kanyang mga tungkulin at pang-araw-araw na gawain.

Sa tingin ko, the best way for them to prove this is to have the NEDA officials live on a 10k-per-month salary for a year. Just 10k a month lang, para mapakita nila na hindi poor ang 10k.

Gigil us!

PS: Ugaliing may nakaipit na tuyo o sapsap sa pitaka sakaling magutom.

LEAVE A REPLY