Drawing

0
27

ANG bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang nagplano pa kayo ng outing ng mga kaibigan mo upang sandaling makalimutan ang init ng panahon — pero hanggang ngayong drawing pa rin.

Dumating na ang buwan ng Hunyo, tapos na ang bakasyon, balik-eskuwela na ang mga estudyante at ibig sabihin tag-ulan na rin, pero hindi na nakulayan ang drawing niyo.

Hindi pa man pormal na idinedeklara ng PAG-ASA na tapos na ang tag-araw at tag-ulan na, pero yung plano niyo, wala na.

Naranasan mo ba ito ngayong summer? Yung alam mo na sa sarili mo na malabo nang mangyari ang inyong plano – yung tipong natabunan na sa group chat ang inyong plano.

Pero mayroon nga tayong kasabihan, marami pa namang next time. Darating din ang panahon na makukulayan ito.

Pero sa kabila ng lahat, kahit paulit-ulit pang maudlot ang mga plano, ang mahalaga nandiyan pa rin ang bawat isa para sa barkada, at ito ang pinaka importante sa lahat — kung paano niyo pinapahalagahan ang inyong pagkakaibigan.

LEAVE A REPLY