Balik Eskuwela

0
20

MATAPOS ang ilang buwan, natuldukan na ang bakasyon ng mga estudyante dahil sa muling pagbubukas ng klase ngayong Hunyo.

Nasa milyon ang bilang ng mga estudyanteng inaasahan na magbabalik sa paaralan. Dahil dito, muling mararanasan ang bigat ng trapiko, problema sa baon, tuition at iba pang gastusin para sa pag-aaral.

Sa ganitong panahon, mapapansin din natin yung mga batang ayaw paalisin ang kanilang mga magulang sa pagsisimula ng klase.

Naging mapayapa ang pagbabalik eskuwela na isinagawa kahapon dahil walang naitalang malalang insidente sa bawat paaralan.

Nakaka-miss yung ganitong panahon, kung saan wala kang iniintindi kundi ang baon at marka sa klase lamang at wala ka pang obligasyon sa pamilya. Nakakatuwa lang dahil makikita mo na maraming kabataan ang nagpupursige para sa kanilang hinaharap.

Totoo nga ang kasabihan na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kaya sana lang patuloy na gumawa ng paraan ang ating pamahalaan upang walang makahadlang sa edukasyon ng kabataang Pilipino.

LEAVE A REPLY