Pasukan na naman

0
27

ISA ka ba sa mga estudyanteng hindi pa handa ngayong pasukan o sadyang tinatamad lang talaga pumasok? Ikaw ba ay pinanghihinaan na agad ng loob dahil sa tingin mo baka maging delikado ka sa iba mong subject? Or mas kinakabahan ka sa unang araw ng klase dahil ayan na naman ang ‘introduce yourself?’

Hindi naman talaga maiiwasan na marami pang mga estudyante ngayon ang hindi pa handa dahil umiiral pa ang katamaran sa katawan, nasa utak pa ang bakasyon, at kulang sa motivation.

May kanya-kanya man tayong paraan kung paano mag-aral at maka survive, sana lahat ng estudyante ngayon ay makaraos sa pag-aaral…

Lagi niyo lang tandaan ang mga sumusunod:

  1. Stay focused on your goals
  2. Learn how to manage your time
  3. Create your own motivational posters
  4. Improve your multitasking skills
  5. Teach yourself to accept difficulty
  6. Know the difference between “nag-aaral akong mabuti kasi gusto ko ng makatapos para….” at sa mema — mema-sabing pumapasok lang.
  7. Strive harder and you’ll get there sooner
  8. Don’t forget to reward yourself

Kapag malapit ka ng sumuko, alalahanin mo yung dahilan kung bakit mo pinasok at sinimulan yan. Lagi mong tatandaan na walang nakukuhang magandang bagay sa madaliang paraan lang, at lahat kailangang paghirapan.

Pagbutihin mo ang pag-aaral at pag na-survive mo yan, bigyan mo ng reward ang sarili mo. Bumili ka ng gusto mong bilhin — pagkain, damit, make-up or kahit ano — kung ano ang magpapasaya at magpapatanggal ng stress mo. Tandaan mo: You deserve it.

Naniniwala ako na basta may sipag, tiyaga, determinasyon, dedikasyon, at focus sa sarili walang imposible.

Good luck sa mga mag-aaral ngayon.

LEAVE A REPLY