Dagdag-matrikula

0
11

MAGSISIMULA na ang pagbubukas ng klase sa lahat ng public schools sa June 4. Ang mga private schools naman, maaring magsimula ng klase nang hindi maaga sa unang Lunes ng Hunyo pero hindi lalagpas sa huling araw ng Agosto.

Aabot sa halos 28 milyong estudyante ang magbabalik-eskwela sa public at private schools sa buong bansa ngayong school year 2018-2019.

At dahil pasukan na, dagdag-gastusin muli ito sa mga magulang, at lalo itong madadagdagan dahil tumaas ang presyo ng mga school supplies.

Ngunit hindi lang yan, ang ibang pribadong paaralan ay nagtaas ng matrikula sa pahintulot na rin ng Department of Education (DepEd).

Sinasabing ang edukasyon ang mahalagang maipapamana sa mga anak. Kaya kahit anong hirap ng buhay ay iginagapang ang pag-aaral ng kanilang mga anak sa abot ng kanilang makakaya.

Ngunit kapansin-pansin at parang isa nang tradisyon sa panahon ng enrolment at bago magsimula ang klase na karamihan sa mga private elementary at high schools ang humihiling ng dagdag-singil ng matrikula.

Maging makatuwiran sana ang mga tuition fee increases na ito, sapagkat ang ibinabayad na matrikula ay mula sa pawis at dugo ng mga magulang na ang tanging pangarap ay mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak.

LEAVE A REPLY