Pataasan

0
30

KABI-KABILA na naman ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at maraming Pilipino ang matinding naapektuhan.

Sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa patuloy na paggalaw ng presyuhan sa world market, at dahil nga sunod-sunod na ang mga pagtaas, asahan na rin natin ang pagtaas ng pasahe sa jeepney at bus.

Nagbabala na rin ang DOE na magdadagdag din ng presyo ang produktong LPG.

Pero hindi pa diyan natatapos ang dagdag gastusin ng mga commuters dahil humihirit na rin ng dagdag-pasahe ang pamunuan ng LRT-1.

Sinabi rin na isa sa mga rason kung bakit magtataas presyo ng pamasahe sa LRT ay plano nitong mapanatili ang kalidad ng serbisyo nito, lalo pa at puspusan daw ang pagsasaayos sa mga istasyon ng tren at dadagdagan din ang bilang ng mga tren na bumabiyahe ngayon.

Bukod sa mga ito, nalalapit na rin ang pasukan, kaya umaaray na rin ang mga mamimili at mga tindera dahil sa pagtaas ng presyo ng school supplies at uniporme.

Lahat tumaataas na. Pandak na lang ang hindi tumataas. Hay buhay.

LEAVE A REPLY