Kasinungalingan

0
25

MAY mga kakilala ba kayong mga taong wala ng ginawa kung hindi magsinugaling? Yung mahirap pagkatiwalaan dahil walang tinutupad na salita at lahat ng pangako ay napapako?

Madalas ka na lang binobola at dinadaan sa awa, pero ang problema, kung ikaw naman ang naawa, sa huli ikaw rin naman ang kawawa.

Mahirap sila makasama dahil hindi sila maasahan. Nakakapagod silang kasama dahil kahit anong pangako na sila ay magbabago, hindi pa rin sila nagbabago.

At dahil sa kanilang kawalan ng isang salita, ikaw ang lubos na naapektuhan dahil imbis na makatulong sila, sila pa ang nagpapabigat sa iyong buhay.

I know na nakakastress ang ganoong set up, yung parang feeling mo na wala ka nang maasahan at nawawalan ka ng pag-asa, pero at the end of the day, you and I have a choice.

Una, huwag ka nang umasa sa mga taong sinungaling at hindi maaasahan.

Pangalawa, asahan lang natin ang puwedeng asahan, at sa tingin ko, isa lang ang puwede natin maasahan — iyan ay walang iba kung hindi ang Panginoon.

God will never leave us nor forsake us. Only God can make a promise that He will keep.

Some say that God can do everything. I beg to disagree,  because there is one thing that God can’t do — God cannot lie.

LEAVE A REPLY