May paraan pa ba?

0
28

ISA ang produktong petrolyo sa pinatawan ng mataas na excise tax ngayong taon kasunod ng pagpapatupad ng TRAIN Law.

Dahil dito, sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, at sa pagtaas na ito, hindi na lang ang mga jeepney driver ang humihiling ng dagdag-pasahe bagkus halos lahat na ng pampublikong sasakyan, humihiling na nito.

Dapat na nga bang itaas ang pasahe para sa mga pampublikong sasakyan? May iba pa bang paraan para hindi pasanin ng mga commuters ang pagtaas ng produktong petrolyo? May iba pa bang paraan para hindi naman malugi ang ating mga driver na halos wala nang maiuwing kita sa kanilang pamilya?

Lahat ay naaapektuhan dahil sa mga pagtaas na ito.

Ang ating gobyerno lang ang makakatulong at makakatugon ng sa problemang ito, pero sa ngayon, isa lang ang malinaw – kapag may dagdag pasahe, dagdag gastos na naman ito para sa mga ordinaryong Pilipino.

Baka naman may iba pang paraan.

LEAVE A REPLY