Bagong lider

0
20

MULI na namang nagkaroon ng pagbabago sa liderato ng Senado dahil nagpasyang bumaba na sa puwesto si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, at ang pamamalakad sa Senado ay ipinasa na kay dating Senate majority leader Vicente “Tito” Sotto III.

Naging maganda din ang pamamalakad ni Pimentel noong siya pa ang namumuno sa Senado at ang kabaitan nito ang tumatak sa ibang mambabatas, subalit, marahil ito rin ang isa sa mga dahilan ng pag-alis niya.

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, masasabi din na may nagawa ang dating pangulo ng Senado.

Matunog naman ang pangalan ng pumalit dito na si Sotto, and dating Senate majority leader na ngayon ay gagampanan ang pagiging lider ng Senado. Maganda din ang record nito dahil isa siya sa mga beteranong mambabatas na may mga ilan nang naipatupad na batas — gaya ng pagboto ng mga OFW sa ibang bansa tuwing national elections.

Inaasahan ng nakararaming Pilipino na magtagumpay ang desisyon na ito at sana ay maging maayos ang pamamalakad sa Senado at makapaghain pa ng mga magagandang batas.

LEAVE A REPLY