Feeling unli

0
18

NOONG bata pa tayo, gustung-gusto na natin agad tumanda, maging independent at maabot ang mga pangarap.

Atat na atat tayong maging mature para magawa ang lahat ng gusto natin na hindi pa magawa noon dahil masyado pa tayong bata.

Dati, feeling natin kapag may trabaho na tayo, unlimited na ang pera. Pero akala lang pala natin yun. Ngayong nagka-trabaho, kumikita at sumusuweldo na tayo, then we realize the value of every centavo.

Katulad na lamang ng nga magulang natin, halos bente-kuwatro oras nagtatrabaho para lang mabuhay nila tayo ng maayos.

Dapat ganoon din tayo, saan at anuman ang ating trabaho, we must always work hard and thrive for excellence. Dahil ang taong masipag sa lahat ng bagay ay pinagpapala.

Kung dati puro lang tayo laro sa kalye, ngayong may trabaho at kumikita na, dapat ay matuto na tayong gamitin ang talino, sipag at tiyaga sa pag-angat sa buhay.

LEAVE A REPLY