Wait for me, Kuwait

0
29

TULUYAN nang inalis ang total deployment ban para sa lahat ng Pinoy workers sa Kuwait.

Ito ay matapos ang matagumpay na paglagda ng Pilipinas at Kuwaiti officials sa memorandum of understanding na magbibigay ng karagdagang proteksyon para sa mga OFWs.

Dahil sa balitang ito, maraming manggagawang Pilipino ang natuwa, sapagkat hindi na dadanas pa ng pag-abuso at kalupitan ang mga OFWs lalo na ang mga household services workers.

Maging consistent sana ang pagpapatupad sa nilalaman ng memorandum of understanding na ito, at dapat rin ipagpasalamat ito ng mga kababayan nating OFWs sa ating gobyerno dahil patuloy nitong iniisip ang kapakanan nila.

Magpatuloy sana ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa pagkilos laban sa illegal recruitment at pagmonitor sa sitwasyon ng mga OFWs upang hindi na sila makaranas muli ng pang-aabuso hindi lang sa bansang Kuwait kundi sa iba pang mga bansa.

LEAVE A REPLY