Good job, DOTr

0
15

ISANG napakagandang balita ang 23 araw na walang aberya ang MRT3, at ang epekto nito, nagkaroon ng ginhawa ito sa mga commuters.

Sinabi ni MRT3 Media Affairs Head Aly Narvaez na ito na raw ang pinakamatagal na walang naitalang aberya sa biyahe ng tren, base sa record nila mula taong 2011.

Sinabi rin na noong 2014 ay nasa 13 araw lang ang pinakamahabang panahon na walang naging aberya sa biyahe ng MRT3 at ngayon ngang Abril at Mayo ng 2018, nagkaroon muli ng magandang record ang MRT.

Meron na ring labingwalong tren na bumibiyahe ang MRT, na siyang pinakamataas na bilang ng tren na nai-deploy simula noong Nobyembre 2017.

Dahil sa balitang ito, makikitang ginagawa talaga ng DOTr ang trabaho nila at inaabot ang mithiin na mas lalo pang mapabuti ang pagsasa-ayos at serbisyo ng mga tumatakbong tren sa MRT3 para sa mga pasahero.

Sana magtuluy-tuloy na ito.

LEAVE A REPLY