Bagong halal

0
21

NAGING madugo, madumi, magulo at kanya-kanyang siraan – ilan lamang ito sa tensyon na nangyari nitong nakalipas na pangangampanya ng bawat kandidato sa kani-kanilang lugar para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Nakakalungkot lang isipin na umabot pa sa ganito, na dahil lamang sa kagustuhang mailuklok sa puwesto, pati pagkapit sa patalim ay ginagawa na.

Bakit nga ba sa larangan ng pulitika ay hindi nawawala ang maduming laban? Iba rin talaga ang nagagawa nito, dahil malaki ang epekto na maaring makapagpabago sa isang tao o pangyayari.

Ngayong natapos na ang halalan, hangad ng ating mga kababayan ang mabilisang pagbabago at tapat na serbisyo, at nawa’y ito ay magampanan ng maayos mga bagong nahalal sa puwesto.

LEAVE A REPLY