Nagkasundo rin

0
17

KASABAY ng pagpapatalsik ng Korte Suprema kay Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado nito, isang magandang balita ang inilahad ng Malacañang sa atin kagabi.

Dahil diyan, binabati ko ang mga opisyal ng Malacañang na naging masigasig para malagdaan ang binuong Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait para sa kapakanan ng mga OFW sa doon.

Deserve na deserve ng mga ito ang masigabong palakpakan ng nakararaming Pinoy dahil nagpursige ang mga ito para malagdaan ang MOU kahit nagkaroon ng bahagyang sinok sa pagitan ng dalawang bansa ilang linggo pa lamang ang nakalilipas dahil sa isinagawang rescue mission ng embahada sa ibang mga problemadong OFW sa Kuwait.

Pero sana, masunod ang nilalaman ng MOU sa Kuwait para sa mga OFW natin doon, at hindi rin sana ito malabag.

Bilang isang Pinoy, sana magsulong din ng katulad na kasunduan sa iba pang bansa na hindi nagbibigay ng sapat na proteksyon sa ating mga kababayan na manggagawa doon upang hindi na muli maulit pa ang sunod-sunod na ulat ng pag-abuso.

Keep it up Malacañang, at sana magtuloy-tuloy ang magagandang balita.

LEAVE A REPLY