Turo-turong pares-pares

0
12

ANG dami-daming turo-turo sa Maynila. Pero kahit saang turo-turo ka kumain, pare-pareho ang ulam: adobo, menudo, sinigang na baboy, nilagang baka, pork chop, fried chicken, pritong isda, pinakbet, chopsuey, dinuguan, tinola, paksiw, beef steak, liver steak, tortang talong, okoy, etc.
Nagkakaiba lang ang mga kariderya sa lasa at timpla ng putahe, sukat ng kainan, interior design, CR, serbidora at customer.

So, bakit sila pare-pareho ng ulam? Hindi naman sa nagkokopyahan sila na parang estudyanteng nag e-exam. Pero pag namili naman kasi sila sa palengke, pare-pareho ding sangkap ang tinitinda at mabibili nila: sayote, ampalaya, talong, upo, okra, sitaw, kalabasa, pork, chicken, bangus, tilapia, galunggong, longganisa, tahong, pusit, etc.

Isa pa, hindi sila marunong magluto ng iba. Hindi sila nagluluto ng tinolang baka, tortang ampalaya, adobong tilapia, chinapsuy na pakbet, nilagang longganisa, paksiw na chicken, beef chop, fish steak.

Ayan. So now alam na.

p: wjg

LEAVE A REPLY