Dapat na nga bang itigil?

0
14

SA ilang buwang pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, umabot na sa 4.5 percent ang inflation rate o pagtaas sa presyo ng bilihin nitong buwan ng Abril.

Ramdam na ramdam ng mga mahihirap na mamamayang Pilipino ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Marami ang hindi natutuwa sa pagpapatupad nito. Marami ang nananawagan na ito ay ipatigil na.

At dahil sa hindi mapigil na pagtaas ng inflation rate, re-reviewhin ng Senado ang pagpapatupad ng TRAIN Law.

Bagaman tumaas ang mga pangunahing bilihin, malaki naman ang nakolektang buwis ng ating pamahalaan dahil sa TRAIN Law. Dahil, dito mapopondohan ang programang Build, Build, Build infrastructure projects ng pamahalaan na nagsasabing magdudulot ng magandang ekonomiya sa ating bansa.

Panahon lamang ang makapagsasabi kung tama ang administrasyong Duterte sa pagpapatupad sa reporma nito sa buwis.

Sa inyong palagay, panahon na nga ba para ito ay ipatigil na?

LEAVE A REPLY