Salaing mabuti

0
10

KUNG ikaw ay isang lider ng komunidad, dapat sa iyo nagmumula ang kabutihang asal at mga tamang gawain na dapat ibahagi sa iyong nasasakupan. Ngunit kung sa iyo nagsisimula ang hindi magandang impluwensya, tiyak na walang magtitiwala sa iyo.

Ngayong magsisimula na naman ang halalan, kanya-kanya na naman tayo ng pili ng ating mga kandidato na dapat pagkatiwalaan para makapaglingkod sa bayan.

Pero nakakasiguro ba tayo na ang mga kandidatong ito ay hindi napapasailalim sa impluwensya ng droga? Sa panahon ngayon, kung sino pa ang may kapangyarihan ay sila pa ang nangunguna sa pagpapalaganap ng droga.

Kaya dapat, habang hindi pa sumasapit ang halalan ay isagawa na ang drug test para sa mga tatakbo sa Barangay at SK elections upang masala ang susunod na maglilingkod sa ating barangay.

Maging wais at praktikal sa pagboto, magsagawa ng simpleng pananaliksik para sa ating napupusuan dahil nasa kamay natin ang pagbabago.

LEAVE A REPLY