Boboto ba ako?

0
32

HAY naku… babaha na naman ng mga flyers, matatakpan na naman ng mga posters ang mga pader ng mga kung sinu-sinong mukha, pero handa na nga ba ang mga botante para sa nalalapit na Barangay at SK Election?

Boboto ka ba? Sinong iboboto mo? May kuwenta ba yung boto ko? Baka ‘di na lang ako bumoto.

Ilang araw na lang eleksyon na sa mga barangay and to be honest, hindi ko pa rin alam kung sino ang tama at dapat kong iluklok sa puwesto.

Iniisip ko nga kung huwag na lang kaya akong bumoto at pumasok na lang sa trabaho kahit deklarado na itong special non-working holiday? Hmm… baka kasi isa pa ko sa may kasalanan kapag ang nanalo sa aming barangay ay sangkot sa kalakaran ng illegal na droga. Masakit yun sa dibdib.

Pero may nakapagsabi sa akin na ‘kung gusto mong makakita ng seryosong pagbabago, huwag mong sayangin ang boto mo.’

Para sa mga katulad ko na hindi pa makapag-isip kung sino ang iboboto, hindi natin kailangang maki-rally sa EDSA at Mendiola. Why? Dahil puwede natin itong gawin sa pamamagitan ng balota.

Akala kasi ng iba na ang future ng Pilipinas ay nasa mga kamay ng mga kandidato. Ang totoo niyan, ito ay nasa kamay natin.

LEAVE A REPLY