Matalinong pagboto

0
19

INILABAS na sa publiko ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino nitong Lunes ang listahan ng mga punong barangay at kagawad na umano’y sangkot sa droga.

Sinasabing magsisilbing gabay ito ng mga botante para sa mga iboboto nila sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Matatandaan na ilang beses na nasuspinde ang halalang ito dahil sa malaking posibilidad na gamitin ng mga naturang opisyal ang drug money para manalo sa halalan.

Kung ginagawa ng pamahalaan ang lahat para matigil na ang droga sa ating bansa, at higit sa lahat mawala na ang mga korap sa gobyerno, maging gabay sana ang listahang ito para makapamili tayo ng karapat-dapat na ihalal.

Maging matalino sana ang lahat ngayong darating na SK at barangay elections.

LEAVE A REPLY