Bartolina houses

0
27

Saan mo gusto manirahan ang iyong sarili o pamilya, sa bahay o sa bartolina? While this is a stupid question as a family obviously cannot fit in an isolation cell-sized unit, house finders will encounter it and have to make a choice when they do. Lalo na sa mga low budget renters and home buyers.

Bakit? E wala nang ginawa ang mga housing developers kundi bartolina homes. Bartolina house para sa mga taga-Tacloban na sinalanta ng Yolanda. Bartolina house para sa mga bumbero at pulis, na hindi pinatulan kaya napunta sa mga miyembro ng Kadamay.Saksakan nang daming bartolina house ang nagawa na. Pero dedma ang developers at sandamakmak pang ganun ang ginagawa para ibenta sa Pag-IBIG members ng milyones.

Bakit ka bibili ng kulungan ng manok? Manok ka ba? Bakit ka gagawa ng bahay na para sa manok at ibebenta mo sa tao? Tingnan nyo ‘yang inasal n’yo, mga chook-chook. Dahil sa mga ginawang bartolina houses, sangkaterba din ang pinauupahang bartolina apartment at townhouses. At ang upa, presyong brand new house and lot amortization.

Kung hindi man at less P10,000 per month ang offer, matic na bartolina ‘yun. Tulad ng sa may Anahaw Street sa Veterans Village, Quezon City, ang mga bagong condominium nagpapaupa ng studio unit for P10,000 a month.

Pag ocular mo sa unit, parang pumasok ka sa cabin ng ferry. Pag naglagay ka ng kama, pagbangon mo kusina na. Wala nang dining area dahil hindi na malalagyan ng lamesa sa mini floor area. At saan ka maglalaba at magsasampay? Sa laundromat.

Sa may Bagong Pag-asa naman, o sa may Tandang Sora area, ganun din. Hindi na maganda, bartolina pa. At ang upa P8,000 monthly pataas.

So let’s now revise the Building Code and ban developers from constructing bartolina-sized houses. Hindi kaya dahil mahal ang building materials at labor? E di ibaba ang presyo ng building materials at labor para abot-kaya ang TCP ng isang makatarungang pabahay.

Wala nang debate dito. Simple lang naman ang tanong sa mga developers, titira ka ba sa bartolina? The Golden Rule is don’t do unto others what you don’t want others do unto you. Alam mong bartolina ang 20 square meters na floor area, sige ka pa rin.

Isasaksak mo rin ba ang pamilya mo sa ganung bahay? E pagka hindi kayo nagbago, lahat ng umuupa ng bartolina nyo, pagpasok sa trabaho ay parang lumabas sa preso. Build bahay, don’t build bartolina. Tapos.

LEAVE A REPLY