Paraphernalia

0
24

SINIMULAN na ng Comelec ang pagbiyahe sa mga official ballot, canvassing form at indelible ink para sa nalalapit na May 14, 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa ipinalabas na notice ng Comelec na pirmado ni Director Hernan Thaddeus noong April 25, sinimulan na ang pagbiyahe sa mga gagamiting dokumento sa eleksyon.

Unang ibiniyahe ang mga accountable form sa malalayong lugar partikular na sa ARMM, Region VIII, Region II at Batanes. Ibiniyahe na rin ang mga election paraphernalia para sa Region XI, XII, IX, X, VII at VI.

Ngayong unang linggo naman ng Mayo ay ibabiyahe na rin ang isa sa Cordillera Administrative Region, Region II, Region IV-A, Region IV-B, VII, V, I at III habang sa May 8 hanggang May 9 naman itinakda ang paghatid sa mga accountable form sa National Capital Region.

Sana ay maayos na maideliver ang lahat ng kailangan para sa darating na eleksyon, pero ang pinakamahalaga sa lahat, sana naman ay manalo ang mga nararapat manalo, yung mga tapat sa paglilingkod sa bayan.

At ipinagdarasal ko rin na sana, kahit Barangay at SK elections lamang ito, wala na sanang mangyaring mga election-related violence sa buong Pilipinas.

LEAVE A REPLY