Summer job

0
21

SUMMER na naman kaya available na naman ang trabahong alok sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES).

Daan-daang “summer jobs” ang nag-aabang sa mga estudyanteng gustong kumita ng dagdag-pantustos sa kanilang gastusin sa pag-aaral.

Inaalok ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng SPES ang iba’t ibang trabaho kasabay ng nakasanayang bakasyon mula sa eskwela ng mga mag-aaral.

Nakakatuwa ang ganitong klaseng programa ng ating pamahalaan dahil hindi lamang nagkakaroon ng pantustos ang mga estudyante para sa kanilang pag-aaral, nagiging produktibo rin ang kanilang bakasyon.

Napakalaking tulong din para sa mga magulang ang naturang programa dahil bukod sa magkakaroon ng kita ang kanilang mga anak, madagdagan pa ang kanilang karanasan.

Kaya sana sa mga estudyante, samantalahin ang pagkakataong ito. Kumita ka na, nagkaroon ka pa ng karagdagang kalaaman at karanasan.

At higit sa lahat, nakatulong ka sa iyong mga magulang.

LEAVE A REPLY