Bagong pinuno

0
25

PORMAL nang umupo bilang ika-22 Philippine National Police Chief si Police Director Oscar Albayalde.

Sa kanyang talumpati, ipinangako niya sa sa publiko na mananatili ang kapayapaan sa bansa kung saan malayang makakapamuhay, makakapagtrabaho at makakapagnegosyo ang mga Pilipino.

Samantala, mahigpit naman umanong ibinilin ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Albayalde na ipagpatuloy ang nasimulang war on drugs ni outgoing PNP chief Ronald Dela Rosa.

Una nang ipinangako ni Albayalde na ipagpapatuloy niya ang giyera kontra droga kasabay sa pagsasabing wala siyang nakikitang mali sa Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel ng PNP.

Ngunit kung ating matatandaan, sa pamumuno ni Dela Rosa, masasabi natin naging madugo ang giyera kontra droga, kung saan marami ang namatay na ang ilan pa nga ay mga menor de edad.

Sa isang banda, nariyan ang mukha ng gobyerno na layong puksain ang iligal na droga. Subalit nariyan din ang epekto ng kampanyang ito sa mga biktima at mga pamilya nila.

Kaya sa bagong pinuno ng pulisya, ipagpatuloy ang paglaban sa iligal na droga pero sana huwag nang maulit ang nangyari na marami ang namamatay sa kampanya laban sa droga dito sa ating bansa.

LEAVE A REPLY