Kabute

0
25

ILANG linggo na lang at mag-eeleksyon na sa ating mga barangay.

Ngayon pa lang, kabi-kabila na naman ang mga campaign jingle ni ma’am at sir na bubulahaw sa mga kalsada. Ang ingay ano? Hindi sila ganyan kasigasig nitong mga nakaraang taon, hindi ba?

Aminin mo, ngayon mo lang ulit nakita si chairman at SK officials ng barangay niyo ano?

Siyanga pala, yung mga dating SK officials, tatakbo na ring kagawad ng barangay city hall ninyo.

Puspusan na rin ang paghahanda ng Comelec at kapulisan para sa halalan. Baka kasi magkaroon ng aberya habang nagshe-shade ka ng balota, bago ang eleksyon o pagkatapos ng eleksyon. Baka may dagdag-bawas. Mahirap na.

At dahil eleksyon na, ingat-ingat din sa mga ‘abutan’. Baka mahuli ka, mahuli kayo.

Naku. Huwag ka nang pabobola uli sa mga pangakong napako.

Maging matalinong botante. Wag maging bobotante.

LEAVE A REPLY