YOLO!

0
29

“TRAVEL now, pulubi later”; “travel now, tuyo later”; “travel now, patay-gutom later”; “travel now, sardinas later”.

Ilan lang iyan sa mga travel groups sa social media na nababasa ko, lalo na ngayong summer season kumbaga YOLO! — You only live once, lol.

Medyo nakakatawa kasi ako mismo naranasan ko ‘yan one time, noong pumunta kami sa Ilocos Norte nitong nagdaang Holy Week. Pag-uwi ko ng Metro Manila, nasa critical na yung pera ko pero okay lang, ang mahalaga nakaalis at ang dami kong napuntahan doon.

May mga positibo at negatibo sa ganyang mentality ng isang tao, pero ang mas mahalaga, unahin muna natin kung ano ang dapat at kung ano ang mas kailangan.

Positive in a way na basta may gustong gawin, bilhin or makamtan ang isang tao, they will make a way para makuha ‘yon. In this case, lahat gagawin nila for the sake of travel. Then yung negative para sa akin is yung paggastos minsan ng tao beyond their means.

Don’t get me wrong guys, what I’m trying to point out is that dapat may sapat ka din na ipon bago mo isipin yung mga ganyang bagay, like pagta-travel. Sapat na ipon means yung extra money mo, savings mo, emergency fund, or kung ano pa man.

Sabi nga ng ibang matatanda, ganito na ba daw talaga ang mga millennials? Parang happy-go-lucky na lang? Para sa akin, puwedeng oo, puwede rin na hindi.

Oo, dahil sa panahon ngayon, parang lahat na lang ng tao gusto ng approval at attention lalo na sa social media, tama? Minsan, kahit ‘di naman talaga afford, gagawin pa din para lang makasunod sa kung ano ang uso ngayon, hindi ba?

Pero hindi ko naman nilalahat. Kaya nga puwede ring hindi, dahil sa panahon din ngayon, many of millennials ay mas exposed at aware na din on how to earn money or to have additional income.

Sabi nga ni Chinkee Tan, “Save now, travel later, at “Tipid now, ginhawa later.” Mas magandang pakinggan hindi ba?

Sana ganyan din ang maging mindset natin mga kapwa ko millennials. At the end of the day, hindi kayang punan ng magandang picture sa IG at madaming likes sa FB ang kumakalam nating sikmura.

LEAVE A REPLY