Palamig

0
33

SUMMER na, at uso na ulit ang mga palamig.

Narito ang mga palamig na babagay sa puso mong uhaw sa pagmamahal — este — mga labing uhaw pala…

Halo-halo — Para sa taong marami nang inibig pero kahit nagkanda-letse-letse na ang lahat, leche flan pa din ang paborito nyang ingredient.

Ice candy — Bagay sa taong nagtitipid pero hindi hahayaang matuyuan ng damdamin.

Mais con hielo — Para sa mga taong kahit may sense of humor pero corny ang jokes kaya iniwan ng minamahal.

Sorbetes — Sa taong gustong pawiin ang init na nararamdaman dahil sa tukso, pero dapat sa matamis na paraan.

Gulaman — Para sa taong naghahanap ng tagapagligtas mula sa uhaw, hindi si Superman at hindi rin si Batman, gusto lang niya ay gulaman.

Ice tubig — Ang pinaka-hinahanap ng lahat kapag galing ka sa initan, pinaka-mura sa lahat… puwedeng inumin at puwede din ipanligo.

Hayan, kung nakapili ka na kung anong palamig ang bagay sa iyo, i-share mo ito sa mga kaibigan mo at baka ilibre ka nila ng palamig.

LEAVE A REPLY