Buhay ang kapalit

0
31

ISA sa mga magandang bagay na ibinigay sa atin ng Poong Maykapal ang ating buhay, kaya dapat natin itong bigyan ng importansya at ingatan. Ngunit, ano nga ba ang iyong magagawa kung ibang tao ang kukuha nito sa iyo?

Sa ngayon, matunog na balita ang pagkakaaresto sa mga nasa likod ng malagim na pagkamatay ni Joanna Demafelis, ang OFW na napaslang at nakita ang bangkay sa isang freezer sa Kuwait.

Hindi naging mailap ang hustisya dito, dahil sa kabutihang palad ay naaresto agad ang mga suspek, kaya’t laking ginhawa sa pamilya ng biktima. Papatawan ng parusang kamatayan ang mga nasabing suspek.

Buhay ang kinuha kaya buhay din ang kapalit ‘ika nga, at siguro sapat na basehan ito para sa nakakarami at para sa ikakatahimik ng lahat.

Masama man sa paningin ng Diyos, ngunit sa paningin natin ito ay nararapat para sa patas na laban.

LEAVE A REPLY