Go for Senator

0
14

ISA ang senador sa mga opisyal ng gobyerno na may malaking tungkulin, sila ay gumagawa ng ating mga batas. Sa pamamagitan ng ating makapangyarihang boto, dito malalaman kung ano ang pulso ng taumbayan.

Responsable, tapat sa bayan, mapapagkatiwalaan at hindi kurakot — mga katangiang hanap ng mga tao sa isang kandidato. Ngunit ang problema sa ngayon ay iilan na lang ang ganito.

Si Bong Go ang isang matunog na pangalan na sinasabing kakandidato sa susunod na senatorial election. Hindi matatawaran ang naging karanasan nito at naging kanang kamay ng  Pangulong Rodrigo Duterte simula noong siya ay mayor pa ng Davao City.

Kaya sa aking tingin, kayang-kaya nitong gampanan nasabing posisyon dahil marami din ang nagtitiwala sa kanya. Sa panahon ngayon dapat maging wais sa pagpili dahil mahirap magsisi sa huli, kaya doon na tayo sa sigurado.

LEAVE A REPLY