Lahat na lang ba?

0
22

SA pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law ngayong taon, may mga kaunting pagbabago umano sa buwis ng mga negosyante at self-employed professionals. Lumaki ang take-home pay ng mga karaniwang manggagawa.

Sa paglaki ng take-home pay, pagtaas naman ng buwis katulad na lamang sa produktong petrolyo, excise tax sa sigarilyo, mineral products gaya ng coal, automobiles o mga sasakyan at documentary stamp tax.

Dahil dito, tumaas ang mga pangunahing bilihin – hindi nga lang mga bilihin kundi ang iba pang mga serbisyo kaya halos lahat ay nais magtaas.

Unti-unti nang nararamdaman ng mga mamimili ang pagtaas ng presyo ng ilang bilihin kasunod ng pagpapatupad ng TRAIN Law.

Sinasabi ng ilan na malaki ang maitutulong ng ipinatupad na TRAIN Law, subalit sa mga nangyayari ngayon, mapapaisip ka na lang kung tama pa bang ipinatupad ito, at maitatanong mo: Nakakatulong ba ito sa bayan o pahirap lang?

Mapapatanong ka na lang sa iyong sarili, lahat na lang ba magtataas?

LEAVE A REPLY