Impeachment vs Sereno

0
33

SA nangyayari sa ating Mataas na Hukuman, marami na ang may duda sa kakayahan ng batas. Marami ang nag-iisip na kung ang pinakamataas na nagpapatupad ng batas ay kayang dayain at lokohin ang kanyang pagkakatalaga sa puwesto, paano na ang pamamalakad ng patas na katarungan sa ating bansa?

Sa naganap na botohan sa Kamara, alam naman natin kung saan ito papunta. Sa botong 38-2, 38 na Kongresista sa Committee on Justice ang sang-ayon na ma-impeach ang punong mahistradong si Maria Lourdes Sereno.

Para sa akin, hindi dahil kritiko siya ng Pangulo kaya nangyayari sa kanya ang ganitong kalaking kontrobersya. Ito ay patunay lamang na tapos na ang panahon na kaya niyang dayain ang kanyang termino. Isa pa, marami siyang naapakan sa kanyang pagkakatalaga sa loob ng Korte Suprema.

Kung babalikan natin ang nangyari noon kay Chief Justice Renato Corona, di hamak naman na hindi patas na laban ang naibigay sa kanya ng nakalipas na administrasyon. Si Sereno, sa kasalukuyan, ay binibigyan ng patas na laban, pinatawag pero hindi dumalo sa kanyang ilang beses na pagdinig sa kanyang kaso.

Sana sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte, maitama ang mga pagkakamali ng nakalipas na administrasyon.

LEAVE A REPLY