Employment ban sa Kuwait

0
39

DAPAT na nga bang bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinatupad na employment ban sa bansang Kuwait o patuloy na itong ipatupad upang sa gayon ay wala nang manggagawang Pinoy ang maaargrabyado pa?

Ang employment ban ay ipinatupad kamakailan matapos makarating sa DOLE at Malacañang ang mga ulat ng pag-abuso sa mga OFWs ng kanilang mga amo.

Nito lamang nakalipas na Martes, Pebrero 6, isa na namang bangkay ang natagpuan ng Kuwait officials sa loob ng freezer, at kinilala ang biktima na si Joanna Daniella Demafelis, 29 taong gulang at tubong Iloilo.

Dahil sa sunod-sunod na mga ulat ng pagpatay sa Kuwait, nagbanta ang ating Pangulo na handa siyang gumawa ng marahas na hakbang para lamang protektahan ang ating mga kababayan sa Kuwait.

Para sa akin, hindi na dapat pang bawiin ng ating Pangulo ang ipinatupad na employment ban, huwag na nating hayaan pang madagdagan ang bangkay na iuuwi sa ating bansa, huwag na natin hayaan pang makarinig ng mga ulat ng pag-argrabyado sa ating mga kababayan habang sila’y nakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Ikaw, sa iyong palagay, dapat na nga bang patuloy na ipatupad ang employment ban? Maaari mong ikomento ang iyong opinyon sa espasyong nakalaan sa baba.

LEAVE A REPLY