Philippine Rise

0
27

MARAMI ang nagbigay ng komento at reaksyon noong mabalitang pinayagan ng gobyerno ng Pilipinas na magsagawa ng exploration ang bansang China sa nasabing isla na pagmamay-ari ng ating bansa. Hindi natin masisi ang mga taong nagbigay ng iba’t ibang kuro-kuro, kahit ako hindi ko gustong malaman ng China kung anong likas na yaman ang nasa loob ng Benham Rise o Philippine Rise lalo na kung babalikan ang isyu ng Spratlys na malinaw na tayo ang may-ari ngunit ayaw nilang kilalanin.

Sa bagay na yun, mahirap kalabanin ang China, dahil na rin kailan lang naman nalaman ng ating bansa tayo ang may-ari ng nasabing isla. Isipin natin na maaaring sa kanilang kasaysayan sila ang may-ari ng West Philippine Sea at mahirap kalabanin ang kasaysayan at ang isang ‘sleeping giant’ na China, ngayon ay gising na.

Ang Benham Rise ay may lawak na 13 million hectares at makikita malapit sa probinsya ng Aurora. Ito ay mas malaki sa Luzon na pinakamalaking isla ng bansa at isa ito sa kinukonsiderang kasama sa Philippines’ continental shelf.

Ayon sa pag-aaral ng marine law expert na si Jay Batongbacal, ang Benham Rise ay may likas na yaman sa natural gas at iba pang heavy metals at nanatiling hindi pa na-e-explore. Isipin na lang natin kung papaano na ang bansa natin kung mauunahan tayo na malaman at mapag-aralan pa ang yaman na nasa Benham Rise kung mauunahan tayo ng China.

Ngayong araw, sa pamamagitan na rin ni Agriculture Sec. Manny Piñol, sinabi nitong inutos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil ng anumang exploration at pag-aaral sa nasabing isla. Inatasan din ng Pangulo ang Department of Defense na mag-deploy ng Navy vessels at Philippine Air Force na magpalipad sa isla ng Benham Rise upang masiguro na walang anumang presensya ng dayuhang vessels sa ating isla.

Sana mas pangalagaan ng ating gobyerno ang mga teritoryo ng ating bansa. Sana huwag nilang hahayaang mapunta ang mga pakinabang nito sa iba.

LEAVE A REPLY