Yun pala ‘yon….

0
27

NOONG hindi pa ako nagtatrabaho bilang isang news monitoring, ang alam ko lang na Cha-Cha ay yung sinasayaw ng mga magulang ko dahil hindi naman ako politician, ni wala nga akong pakialam sa gobyernong meron tayo…. Pero dati yun.

Charter Change, also known as Cha-Cha or Constitutional Reform is the political procedure involved in the revision and amendment of some of the provisions of the 1987 Constitution of the Philippines.

Matatandaan na ilang linggo pa lamang nakakalipas ng palutangin ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang Charter Change (Cha-cha) o ang pagbabago ng ating Saligang Batas.

Sa pagbabago ng 1987 Constitution, kasama sa babaguhin ang sistema ng pamahalaan sa Pilipinas, kumbaga, magiging sistemang federal. Nais ng ilan nating mga mambabatas na gawin ito sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass) kung saan ang mga nakaupong mambabatas ang hihimay at babago sa Konstitusyon.

Pero agad na itong tinutulan ng iba pang mga mambabatas dahil ayon sa kanila kung magkakaroon ng Charter Change dapat gawin ito sa pamamagitan ng Constitutional Convention (Con-Con) na tayong mga tao ang boboto ng mga uupo para aralin at baguhin ang Saligang Batas.

Iginigiit ng Kamara na ang Cha-Cha ay dapat sa pamamagitan ng Con-Ass upang magbigay daan ang planong pederalismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kayo ba, sa tingin niyo kailangan ba talagang magkaroon ng Charter Change sa Pilipinas? Naniniwala ba kayo na we have the best Constitution in the world?

‘Susmaryosep’, ‘ika nga ni Speaker Alvarez.

LEAVE A REPLY