TRAIN to hirap o ginhawa?

0
58

NGAYONG taon ipapatupad na ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Hindi ko masabing magpapahirap ba talaga ito sa nakararami o isang daan sa ninanais ng kaginhawaan.

Oo, mawawala na ang tax, isa ako sa naging masaya noong malaman ko na mawawala na ang tax sa sahod ko, pero kasabay noon, alam ko na tataas naman ang mga pangunahing bilihin. Nakakatawa lang kasi hindi pa nararamdaman ang TRAIN law nauna pang naramdaman ang pagtaas ng mga bilihin, lalo na sa mga tindahan sa gilid-gilid.

Alam ko naman na ang TRAIN law ay may ginhawang hatid upang mas mapabuti pa ang buhay ng mga mamamayan sa hinaharap, pero kailangan muna natin magsakripisyo sa kasalukuyan.

Siguro bigyan natin nang pagkakataon ang gobyerno, wala naman kasi silang ibang pagkukuhanan ng pondo kundi sa mga tax, hindi naman natin sila puwedeng hanapan ng proyekto kung wala naman tayong ibibigay.

Sana lang sa pagpapatupad ng TRAIN law ay magdala ito ng mas magandang resulta sa hinaharap.

LEAVE A REPLY