The root of all…

0
20

MAY mga kakilala ba kayong taong ubod ng yabang? May mga kakilala ba kayong mga taong dating walang-wala at marunong makisama pero noong umunlad ang buhay, bigla na lang silang nagbago? Sumama ang ugali at hindi ka na masyadong pinapansin at kinakausap?

Para bang nabalewala ang taon na ninyong pagkakaibigan at pagsasama. Iba na ang kaniyang mga kaibigan, Iba na ang mundo na kaniyang kinabubuhayan at pakiwari ba ay hindi na siya nababagay sa kanyang dating buhay… short of saying, hindi ka na niya ka-level. In other words, yumabang!

May mga kakilala ba kayong mga ganoong tao? If you know someone like that, then you are not alone. May mga tao din akong nakasama at natulungan, ngunit hindi na ako maalala ngayon.

May mga taong nagsasabi, “Ganoon talaga ang tao, pag nagkapera nagbabago.”

Pero para sa akin, ang pera, hindi kayang baguhin ang tao pero kayang ilabas ang tunay na pagkatao ng isang tao.

So if you ever meet people who changed because of money, do not blame money. Ang pera kasi neutral, puwedeng gamitin sa mabuti o masama. Ang nagpapabuti at nagpapasama ay walang iba kung hindi ang taong humahawak ng pera.

Huwag natin lalahatin na ang mga taong yumayaman ay yumayabang; dahil hindi lahat yumayabang. May mga taong yumaman na nakatapak pa rin sa lupa at hindi nagbabago.

In other words again, ‘wag tayong masyadong mapanghusga sa kapwa natin!

LEAVE A REPLY