Third party

0
31

HINDI lahat ng third party, nakakasama.

Yes, you’ve read that right. Hindi lahat ng third party, masama. Nagkakaroon lang naman ng third party kapag hindi ka na masaya sa kasama mo… or ayaw mo na talaga.

Well, translating that one sa nangyayari ngayon, puspusan na ang ginagawa ng Duterte government para makahanap ng ikatlong telecom company na magsisilbing kakumpitensya ng naghaharing-uring Smart-PLDT at Globe telecom.

Ultimo kasi si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi na kinakaya ang kabagalaaaaaan at napakamahal na internet connection sa bansa.

Idagdag mo pa si Chinese billionaire Jack Ma na minaliit ang internet performance ng telecom giants noong bumisita siya rito sa bansa.

Napa-face-palm siguro ang mga executives ng telecom giants na ito nang harapang sinabi ni Jack Ma ang palpak na serbisyo nila?

At siyempre, kakalimutan ba naman kita? Alam ko namang isa ka rin sa mga taong napapamura sa kabagalaaaaaaan ng internet connection, at kadalasan pa ay mahinaaaaang signal ng linya ng komunikasyon.

Hindi na tayo masaya. Hindi na nakakatuwa. Siguro it’s about time na i-let go na natin yung mga bagay na hindi natin deserve.

Sa ngayon, napaka-visible na nagkukumahog na ang naghaharing-uring telecom firms para ayusin ang serbisyo nila. Kanya-kanya nang construction ng infrastructure para maging mabilis ang internet, at para lumakas ang signal.

Which makes me realize na kailangan pa pala ng third party bago malaman ang sari-sarili nilang pagkukulang.

LEAVE A REPLY