May naalala ako

0
42

PAALALA: Hayaang nakaplay ang video habang binabasa ang aking blog nang mabagal

ALAS nuebe ng gabi, eksaktong pagbaba ko ng bus pauwi ay malakas at malamig na hangin ang sumalubong sa akin.

Hindi pa din bumubukas ang ilaw sa iskinita na dinadaanan ko, at nang nasa harapan na ako ng bahay namin napansin ko na nakapatay pa ang ilaw.

Wala pa palang tao sa bahay kaya ako ang maghahanda ng makakain ko. Pagkabihis ko, binuksan ko kaagad ang refrigerator at malamig na hangin na naman ang sumalubong sa akin.

Alas diyes na at wala pa ang tatay at kapatid ko, kaya humiga na ko pero dapat di muna ko makatulog dahil walang magbubukas sa kanila kapag dumating.

At nang nakahiga na, ako ay nagmuni-muni, nakadama ako ng kalungkutan kahit ang mga naaalala ko naman ay mga masasayang nakaraan.

Alas onse na nang dumating sila at sa wakas makakatulog na din ako.

LEAVE A REPLY