Goodbye my bilbil

0
40

HELLO my bilbil… hindi ko kailanman malilimutan ang journey natin together na halos tumagal ng mahigit tatlong taon. Ang dami na nating pinagdaanan — from fast food, fine dining, food parks at resto in town. Lahat iyan nasubukan natin hanggang sa nag-grow tayo together.

Kaso this past few months, na-realize ko na hindi na magkasya ang mga favorite kong damit at may pagkakataon pa na kailangan ko mag stomach-in para lang maipasok ko ang sarili ko sa pantalon ko.

Tapos ito pa, sa iyo na lang din napupunta ang sweldo ko. Ang tagal ko na gusto mag-ipon pero wala… binigay ko sayo lahat.

Minsan kasi, inaamin ko naman na isang sutsot lang sa akin ng aking mga kaibigan, sama ako ng sama sa takot kong masabihan ng KJ or baka sabihin nila wala akong pera.

Ngayon naiintindihan ko na kung walang budget, wala talaga, hindi ko kailangang magpakitang tao. Kung kaibigan ko sila, maiintindihan din nila ako.

This 2018, road to bilyonaryo na ako at hindi bilbilyonaryo. Ipapakita ko na malayo ang mararating ng pagtitipid ko (pero hindi gutom). Ipapakita ko na masarap sa pakiramdam yung nakakapagtabi ako para sa mas mahahalagang bagay at hindi lang nasasayang at tinatapon sa kakakain sa labas.

Pasensya ka na my bilbil ha. Ayoko na! Makikipaghiwalay na ako sa iyo.

LEAVE A REPLY