Earth Dog

0
27

NANINIWALA ang karamihan na ang iyong taon ng kapanganakan at ang hayop na kumakatawan dito ay may malalim na impluwensya sa iyong pagkatao at sa iyong kapalaran.

At dahil Year of the Earth Dog ngayong taon, tatahol daw ng suwerte ngayong 2018.

Dahil dito, marami tayong prediksyong nababasa at napapanood kung ano ang mangyayari sa ating buhay ngayong taong ito.

Siyempre, ang lahat ng ito ay mga hula-hula lamang at maaaring magkaiba sa bawat tao. Ito ay isang gabay lamang na makakatulong sa atin na alisin ang mga hindi kanais-nais na problema at negatibong mga enerhiya sa buhay.

Sabi nga, tayo rin ang gumagawa ng ating kapalaran. Kailangan rin nating kumilos upang maabot ang tagumpay ng anumang laban.

May bagong pag-asang hatid lagi ang bagong taon. Sabay-sabay nating simulan ang bagong taon nang may positibong pananaw at pare-pareho nating yakapin ang suwerteng dala-dala ng Year of the Earth Dog.

LEAVE A REPLY