Usok

0
16

SA wakas, mababawas-bawasan na polusyon sa hangin dahil nga paghuhulihin na ang mga sasakyan na sobrang itim ang usok sa mga tambutso nito.

Sinabi nga ni Usec. Tom Orbos na hindi na lang bibigyan ng babala kundi huhulihin na agad at pagmumultahin ang mga mausok at lumang sasakyan sa lansangan simula ngayong Huwebes, ito’y kasabay ng pagsisimula ng full implementation ng “Tanggal Usok, Tanggal Bulok” campaign ng Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT.

Sa ilalim ng programa, sususpendehin ang lisensya at pagmumultahin ng P2,000 hanggang P6,000 ang mga may-ari ng mga hindi na maayos at smoke belcher na pampubliko at pribadong sasakyan.

Kasama rin sa pananagutin ang Smoke Emission Testing Center kapag napatunayang nakapasa sa kanila ang mga sasakyang mahuhuli dahil sa smoke belching.

Minsan nga may nakita ako habang nakasakay sa jeep, grabe yung usok na binuga ng jeep sa harap ng tricycle, as in sa mukha mismo ng driver ng tricycle binuga yung maitim na usok, sobrang kadiri yun at saka hindi mo alam kung anong sakit makukuha sa ganoon.

Kaya buti na lang inaksyunan na itong ganitong issue kasi sobrang lala lang.

LEAVE A REPLY