Kunsumisyon sa Traslacion

0
32

ISA sa mga tradisyunal na ginagawa ng mga Pilipinong deboto ng Itim na Nazareno ay ang pagpunta sa Traslacion upang makahalik o makahawak sa mahal na Poong Nazareno sa Quiapo. Ito ay pinaghahandaan pagkasimula ng taon o isang linggo bago ang naturang kapistahan.

Milyun-milyong katao ang nakikiisa dito, kaya asahan na din ang mga maaring mangyaring pananamantala sa kapaligiran at sa bawat isa.

Katulad na lang ng inaasahan, tone-toneladang mga iniiwang basura ang makikita sa paligid at isa ito sa mga palaging problema taon-taon.

Bukod pa sa mga naiiwang basura, hindi rin nawawala ang mga masasamang loob na walang sinasanto, na kahit sa mismong araw ng pista ay patuloy na nananamantala, katulad ng mga snatcher at mga Salisi gang.

Sa panahon ngayon, kahit saan ay puwede na mangyari ang ganitong insidente kaya kailangan ng ibayong pag-iingat at disiplina sa sarili.

Ang pista ng Nazareno ay instrumento para tayo ay magpasalamat at humiling sa Poong Maykapal, ng bagong buhay, na dapat tayo ay magbagong buhay. Simulan na natin sa ating mga sarili at patuloy na manampalataya.

LEAVE A REPLY