Traslacion

0
47

NGAYONG araw na ito ay ipinagdiriwang ang traslacion ng Poong Itim na Nazareno. Taon-taon ay ipinagdiriwang ng mga Katoliko ang araw na ito at ayon na rin sa Simbahan, asahan na ang halos 4,000 replica ng Itim na Nazareno ang ililibot sa nagaganap na traslacion ngayong araw.

Nagbigay din ng assurance ang gobyerno na magiging, mapayapa, ligtas at tahimik ang nagaganap na aktibidad. Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, ilang taon nang ginagawa sa bansa ang traslacion kung kaya’t sanay nang mangasiwa ang lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sa ginaganap na traslacion, walang natatanggap o nabalitaan ang gobyerno na banta sa seguridad, pero dahil na rin sa mga naganap na kaguluhan sa bansa, gusto ng ating gobyerno na magpapakalat pa rin sa Maynila ng higit 5,000 pulis mula sa Manila Police District at higit 1,000 pulis mula sa iba’t ibang lugar at 1,000 sundalo para maging ligtas at mapayapang maipagdiriwang ang traslacion ngayong taon.

Ang ating bansa ay isang Kristyanong bansa at inaasahan na rin ang pagdagsa ng 19-milyong deboto mula sa iba’t ibang panig bansa. Nakakatuwang isipin na ang malaking kaganapan ngayon para sa mga Kristyano sa ating bansa ay lalahukan ng 700 na banyaga upang mag-obserba sa traslacion. Sila ay nagmula pa sa United States, Hong Kong, Taiwan, Singapore, Japan at iba pang European na bansa at sinigurado din ng pamahalaan na mas mahihigpitan pa nila ang seguridad.

Sa kabila ng kinakaharap na kontrobersya ng Simbahang Katoliko, nakakakilabot pa rin ang hindi nawawalang pananampalataya ng mga tao lalo na sa ating bansa sa Simbahang Katoliko.

At bilang isang Kristiyano, kaisa ako sa pagdiriwang na ito at ang aking sigaw, “VIVA Señor Nazareno!”

LEAVE A REPLY