Usapang pag-ibig

0
78

SIMULAN natin ang Lunes sa pamamagitan ng usapang pag-ibig. Ngayong araw, may tanong ako sa iyo:

Pinaasa ka na ba?

O umasa?

Alinman sa tatlo ang sagot mo, lahat naman ‘yan masakit sa puso. Hindi man literal na cardiovascular disease pero parang pareho rin ang sakit. Ang tindi. Ang lupit ng pagkakabasag ng pusong dati-rati ay buong-buo.

‘Yung iniakyat ka niya nang pagkataas-taas tapos iiwanan ka lang pala sa ere?

‘Yung nasanay ka nang palagi mo siyang kasama, sa bawat kuwentuhan ay nababanggit mo ang pangalan niya, at hindi matatapos ang araw nang hindi kayo nag-uusap.

Pero nagising ka na lang isang araw, may gusto na pala siyang iba.

Hindi ikaw ‘yung pinili niya. Hindi ka na niya kinausap.

In short, kinalimutan ka na niya nang ganun-ganun lang.

“The only thing that is constant is change,” ‘ika nga.

Siguro, nag-assume ka lang talaga na pareho ang feelings niyo sa isa’t isa.

Kasi baka hindi ka naman talaga niya gusto? O marami lang siyang oras kaya willing siyang makipag-usap sa’yo nang magdamagan?

Dapat tinanong mo siya nang direkta.

Kailangan kasing maging malinaw ang lahat. Dahil ang pag-ibig parang pagbabago lang ‘yan ng Konstitusyon. Kailangan maging malinaw lahat. Kailangan maipaliwanag ang buong detalye.

Pero payo ko sa iyo, makinig ka sa bawat sasabihin niya. ‘Wag kang mag-isip agad ng butas sa mga sasabihin niya.

Kaya mo ‘yan. Tanungin mo na siya.

‘Yun ay kung hindi ka pa naka-block sa Facebook niya.

LEAVE A REPLY