Kuripot dahil masinop

0
31

MINSAN ka na bang nasabihan ng “Kuripot mo naman!” “Ano ba yan, ang damot mo, hindi mo ikayayaman ‘yan!” “Aanhin mo ba yang pera mo?”

Pero, bilang ‘nag-iipon’, hindi tayo affected dahil kahit ano pa ang sabihin nila, deep inside, alam natin ang totoong dahilan kung bakit tayo nagtitipid sa buhay.

Para kasi sa atin, wala naman tayong mapapala sa panay palabas ng pera ng wala namang objective.

Oo, kuripot, pero dahil mahalagang bagay lang ang pinaglalaanan tulad na lamang ng savings at emergency plan at ang unang requirement: Dapat importante.

Oo, kuripot na sa mas kuripot, pero may goal kasi kami sa buhay tulad na lang nang dapat in the next five years may sarili na kaming bahay para hindi na kami namomoblema kung saan kukunin ang pambayad sa renta ng bahay buwan-buwan; dapat in the next five years hindi na nagtatrabaho ang mga magulang naming, kumbaga, para na silang mga boss.

Bakit kami kuripot? Para maging komportable ang buhay, dahil iyon naman talaga ang gusto nating lahat.

May kasabihan nga na mabuti pa ang pera may tao, ang tao walang pera, kaya guys, pag-isipan ng mabuti kung ano ang dapat paglaanan ng ating pera.blog

LEAVE A REPLY